YOUR ARE HERE: HOME > NEWS > ARCHIVES > INAUGURATION AND OPENING OF GREEN RESTROOM
POSTED ON OCTOBER 5, 2020 BY ADMINISTRATOR
CATEGORY: LIVELIHOOD SUPPORT

INAUGURATION AND OPENING OF GREEN RESTROOM

Ngayong araw ay opisyal na binuksan ang kauna-unahang Genderized Restroom dito sa bayan ng Mercedes. Ang restroom ay may apat na bahagi para sa mga turista, babae, lalaki, PWD, Senior Citizen at LGBT Community Members na naglalayon ng pantay-pantay na serbisyo para sa iba’t-ibang sector ng ating bayan. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa tulong ng Municipal Tourism Development Operation Center sa pamumuno ni Mrs. Edna S. Undazan – Tourism Officer Designate, Mr. Ruel Santelices former Tourism Coordinator at ng lokal na pamahalaan ng Mercedes sa pamumuno ni Hon. Mayor Dante “Boboy” U. Morales at Hon. Vice-Mayor Jeana T. Yapyuco. Ang blessing/inauguration ay pinangunahan ni Rev. Ernie G. Sanchez at dinalohan ng mga head offices, SK Federation President Rochelle Bernas, Municipal Councilor Hon. Frankie Ramos at Committee Chairman on Tourism / Municipal Councilor Hon. Princess Balane-Torralba ganun din ng Camarines Norte Maritime Group sa pamumuno ni PCPT. Alvin Santillan at iba’t-ibang association presidents. Ang restroom na ito ay magagamit ng libre at pinakikiusapan ang lahat na sundin ang mga alituntunin sa paggamit nito.
120580327_1706549266162438_8604545983670202906_n
120771660_1706549196162445_8302841277514919701_n
120634692_1706549246162440_8153218127954968891_n
120552372_1706549319495766_5435611079805998199_n
120701975_1706549356162429_3528275250426811386_n
(Source: Mayor Dante “Boboy” U. Morales Facebook Page)