– Saturday, July 16, 2022

Makikita sa larawan si Mayor Alexander Pajarillo at Konsehal Noel Ong habang
iniinspection ang Arabia 3 , isang trawler na nahuli ng pinagsamang Team ng Mercedes Police Station (MPS)
at Fishery Law Enforcement Team- Mayor's Task Force(FLET-TF).

Ang trawler ay nahuli sa akto ng pamamalakaya sa loob ng Municipal Waters ng Mercedes, isang bawal na
pangingisda at paglabag sa R.A. 10654.

Kasalukuyang inihahanda ang kaso sa sampung tripulante at may ari ng nasabing bangka.
Makikita rin sa larawan ang ilang taga Mercedes habang binibigyan ng nahuling isda  ng mga pulis sa MPS.

Source:  Tony Teope Facebook