– Friday, May 28, 2021

Sa pakikipag ugnayan ng Mayor’s Office, MSWDO at ng MDRRMO-Mercedes sa mga kinauukulan sa kinaroroonan ng kapatid ni Carla, ay muli ng makakauwi sa mga susunod na araw ang kanyang kuya na si Bobby Armando taga Purok 4, Brgy. San Roque dito po sa bayan ng Mercedes.

Ayon sa MDRRMO Officer Filjohn Tychingco naka schedule na ang kanilang sasakyan para sunduin si Bobby sa Pasig City at sisiguraduhing isasagawa ito ng ligtas alinsunod sa mga protocols na pinapatupad.

Inaksyonan naman ng MSWDO sa pamumuno ni Mrs. Annie Baynas ang antigen test ni ginoong Bobby bago sunduin at makabalik dito sa ating bayan.