– Friday, October 29, 2021


Isang makabagong dump truck ng basura ang sinikap na mabili ng Pamahalaang lokal ng
bayan ng Mercedes, sa pamamagitan  ng pagpupursige  ni Mayor Dante "Boboy" Morales (BM)
alinsunod na rin sa Republic Act 9003 ukol sa proper segregation ng mga basura partikular
ang mga nabubulok at hindi nabubulok.

Sa makabagong proseso ng segregation ang mga NABUBULOK gaya ng mga balat ng prutas, gulay
at iba pang katulad nito ay maaaring gawing pataba o organic fertilizer na maaring ilagay
sa mga pananim.

Sa kabilang dako naman ang mga bagay na HINDI  NABUBULOK gaya ng mga bote, plastik at iba
pa ay maaring i-recycle at gawing mas kapakipakinabang at maging karagdagang livelihood
income generating project sa paraaang mula sa mga nagiling na bote o salamin pwedeng gawing
bricks o hollow blocks na bahagi ng pag aaral.

Ang nabanggit na dump truck ay bahagi pa rin ng programa ukol sa Solid Waste Management ng
munisipyo.

Ito ay magagamit ng bayan ng Mercedes partikular sa mga barangay na sakop ng Poblacion area.

Source: Mayor Dante “Boboy” U. Morales Facebook Page