– Tuesday, June 8, 2021

Nagsimula na kahapon ang Philippine Identification System (PhilSys) sa Bayan ng Mercedes, Camarines Norte na isinasagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Pinangunahan ng ating butihing Mayor Dante “Boboy” U. Morales ang registration kasama ang ilang myembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal.

Ang step 2 ng registration ay magpapatuloy at ito po ay ginagawa sa itaas ng Public Market. Mangyari lamang pong makipag ugnayan sa inyong Punong Barangay kung kailan ang inyong schedule para sa organisadong registration ng ating mga mamamayan dito sa Mercedes.

Ipinapaalala po at nakikiusap ang ating Punong Bayan sa lahat, na patuloy nating gawin at ipatupad ang minimum health standard tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at panatilihin ang 1 metrong distansya sa bawat isa upang makaiwas sa paglaganap ng nakamamatay na Covid-19 dito sa ating bayan.

Maraming salamat po at Dios Mabalos!